|
hohoho
Ewan ko ba. Naguguluhan pa rin ako sa course ko. I REALLY AM IN LOVE WITH SCIENCE… BUT I’M IN A RELATIONSHIP WITH MATH. Accountancy yung kinuha kong course kahit na some Science-related courses yung gusto kong kunin. Sana… sana… ma-inlove din ako kay Math gaya ng pag-ka-in-lab ko sa Science. (-,-) #college
don’t bother to read————-
Dear “somebody that I used to know”, Hi. Kamusta. *sigh* 1 year and 8 days na kitang kilala ngayon. Di naman halatang bilang na bilang ko no? Siyempre nakilala kita nung kinausap mo ko sa isang social networking site. Natuwa talaga ako sayo. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan gaan mong kausap. Simula ng mga araw na yun… naging interesado na ko sayo… arrrgh. Nakakahiya. pero naging crush kita kahit di kita kilala sa personal. Active ako sa conversation namin kapag ikaw ang pinag-uusapan namin. Kahit nga sa mga kaibigan ko, naikekwento kita at naipagmamalaki. Ang bait mo kasi at ang talino. una, sa facebook lang kita nakakausap, hanggang sa umabot sa twitter, tumblr, formspring, ym at text. Excited talaga kong kausapin ka nun. Yun yung mga panahong nagustuhan ko yung twitter dahil sayo. Kahit na panay “okay” o emoticons lang ang reply mo, gusto pa rin kita kausap. Hanggang sa nakita na nga kita sa personal. Nahihiya talaga akong batiin ka kahit na gusto ko. Lalo ako bumilib sayo kasi ang galing mo sa acads tas ang ganda mo pa magsulat. Sina-save ko nga pala lahat ng texts mo at nasa inbox ko pa siya lahat. Yung mga panahong nag-gi-gm ka at pm. Gusto ko talagang mag-load nun palagi. kaso hanggang 5 replies ka lang e. Tuwing nakikita kitang online, gusto kitang kausapin.. kaso baka kasi busy ka tsaka wala akong maisip na sasabihin. isa pa, nahihiya ako. Ngayon, tina-try kitang itext kapag may load ako, nag-ppm din ako sayo, TA, at tweet. pero di ka na nagrereply. Iniisip ko na lang na hindi mo natatanggap lahat ng message ko sayo. Ngayon, finofollow na lang kita at isang reader ng blog mo. Hindi mo na ko fino-follow e, pero okay lang yun sakin. Alam ko naman na masaya ka na ngayon. Ang dami ko talagang gustong sabihin sayo, as in MADAMING MADAMI. kulang pa nga tong mahabang post na to e. Kaso tatapusin ko na. ano lang… gusto ko lang sabihin sayo na hanggang ngayon.. hinahangaan pa rin kita sa pagiging mabuti mong tao. Stay as humble as you are. Good Luck at God Bless. -Glaurdhen #TOO PERSONAL #mather #ala lang
Day 1 - Your Bestfriend
Dear bestfriendsssssssss, Hello. Hi. Hi. Hello. haha. Gusto ko lang magpasalamat sa inyo ng MAJOR MAJOR. Salamat sa pagpapaganda ng araw ko sa pamamagitan ng mga simpleng bagay. Yung halos araw-araw na nonsense na kwentuhan. HAHAHAHA. Mga panahong tawa lang tayo ng tawa. Basta. ang dami kong gustong sabihin sa inyo, baka di na matapos tong post ko. to sum it all up… Salamat sa lahat-lahat. Pasensya na sa mga kakornihan ko at mga ka-echusan ko. MAHAL NA MAHAL KO KAYO NANG HIGIT PA SA FUTURE BOYFRIEND KO AT KAY ENCHONG DEE!! XD Nagmamahal, gmae <3 #bestbuds #love #jubelle #lea #leah #glezy #jaja #boredama
Tumblr 30 day Letter challenge
try Lungs. sana matapos ko. :))) Tumblr 30 Day Letter Challenge
→ Ako po ay si Alyloony: Tumblr 30 day Letter challenge
(Source: tumblring.net)
yung plano kayo ng plano ng mga kaibigan mo tapos hindi naman natutuloy. mag-ARCHITECT na lang kayo :))
|
•15 years old ❒ Single ❒ Taken ✔ Mentally dating someone famous that has no idea you exist. ♥ I Love God :) home ask me submit archive themes |